Mister, Binubugbog si Misis Tuwing Di Bigyan ng Pambili ng Sigarilyo




Ang away mag-asawa ay normal nalang sa dalawang taong nagmamahalan at nagsasama sa buhay. Ito ay dahil sa mga problema na kanilang kinakaharap o hindi pagkakaunawaan sa bawat isa.


Ang iba ay tumutungo pa sa programa ni Raffy Tulfo para lang gusto ayusin ang kanilang problema o ireklamo ang kanilang mga partner dahil sa kalokohan at pang-aabuso.

Pero lahat ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapunta at makasumbong sa programa ni Tulfo, ang iba ay pipopost nalang sa kanilang social media account para humingi ng simpatya sa ibang tao.

Loading...
Isa na nga dito ang pinost ng isang Netizen na si Resec Lerual, tungkol sa pambubugbog ng kanilang kapitbahay na lalake sa sarili nitong asawa.

Ayon sa post ng uploader, kawawa raw ang misis na ito sa kamay ng kanyang mister dahil sinuntok ito sa ulo at binubugbog siya ng kanyang mister dahil lang di ito nagbigay ng pera pambili ng sigarilyo.

“Luoy kaayo gikulata sa iya bana karun gisumbag ang ulo ani…. Gikulata sa iya bana c benjie kay wala tagae pampalit ug sigarilyo mga bisyoso dili man diay ka afford (Kawawa namana, binugbog siya ng kanyang mister, ngayon sinuntok siya sa ulo… Binugbog si benjie ng kanyang mister dahil hindi nagbigay ng pera pambili sigarilyo. Mabisyo pero di naman pala maka-afford!)”

Sa video, maririnig ang galit ng mga kapitbahay na saksi sa pangyayari. Inuutusan nila si misis na hiwalayan na nito ang kanyang mister.

Ayon din sa isang babae na nasa video, kung siya umano ang naging asawa ng lalaking ito ay matagal niya ng hihiwalayan.

Halos lahat ng tao na nasa video ay kumampi kay misis kaya naman siguradong loko-loko talaga itong si mister.

Panoorin ang buong video:


Loading...