Sinisisi ngayon ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa lagay ng ekonomiya at pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas. “Hinalal kami ng taumbayan para guminhawa ang kanilang buhay. Pero dahil sa diskarte ng Pangulo nitong dalawang taon, tumaas ang presyo ng mga bilihin, lalong humirap ang buhay, dumami ang alegasyon ng korapsyon,” Loading... Pahayag ng Pangalawang Pangulo Ukol sa Binitawang Salita ni Pangulong Duterte Wala namang may gustong magkasakit ang Pangulo. Pero hindi dahilan ang sakit para maliitin na naman ako. Hinalal kami ng taumbayan para guminhawa ang kanilang buhay. Pero dahil sa diskarte ng Pangulo nitong dalawang taon, tumaas ang presyo ng mga bilihin, lalong humirap ang buhay, dumami ang alegasyon ng korapsyon, at libo-libong mga Pilipino ang pinatay. Hindi ko ugali ang mamulitika; mas gusto kong tahimik na magtrabaho. Pero sasabihin ko ito ngayon: ang tapang, lakas, at diskarte, hindi nadadaan sa mapanirang salit...