Ina na Nang-iwan ng Bata sa Kotse, Nagpaliwanag kay Raffy Tulfo




Noong nakaraang araw lamang ay nagviral ang post ng isang Netizen na nagngangalang Jasper Pascual tungkol sa batang iniwan ng nag-iisa sa loob ng kotse habang ang mga magulang nito ay nakipag-inuman umano.

Ang video post ni Pascual tungkol dito ay umabot na sa 241,000 Shares at nasa 8,000,000 views sa ngayon.

Makalipas ang isa o dalawang araw ay agad na nakilala ang ina ng bata at nakausap mismo ni Raffy Tulfo sa programang ‘Aksyon‘ ng TV5.

Ang ina ng bata ay nakilalang si Jenny Caluna. Dito nagpaliwanag si Caluna kay Raffy.


Paliwanag ni Caluna, nasa sasakyan raw siya kasama ang isang taong gulang na anak, pinapadede niya raw ito.

Bigla na lang raw siya tinawagan ng kanyang asawa para samahan ang pagkain ng isa pa niyang 6 year old na anak. Nakatulog raw ang 1 year old na anak niya na pinadede kaya niya ito naiwan sa sasakyan. Pumunta siya sa kanyang asawa’t anak at umihi na rin pero babalik rin siya agad sa sasakyan.

Pinasinungalinan niya rin ang pahayag ng nag-upload ng video na sila ay lasing. Ayon kay Caluna, bawal umano siya uminum ng alak dahil nagpapa-breast milk raw siya sa kanyang one year old na anak.

Panoorin at pakinggan po ninyo ang paliwanag ni ate.



Article Source: http://updatedtayo.info/ina-na-nang-iwan-ng-bata-sa-kotse-nagpaliwanag-kay-raffy-tulfo


Loading...