Posts

Showing posts from August, 2018

Girl na Nag-Kiki Dance sa EDSA, Nag-public Apology na!

Image
Humihingi ngayon ng paumanhin ang babaeng nag-“In My Feelings” challenge sa EDSA. Matatandaan na hinahanap siya ng MMDA kasama ang kanyang driver na kumukuha sa kanya ng video dahil sa kanilang paglabag sa batas trapiko. Ayon sa report ng GMA News, kusang nagtungo sa kanila ang babaeng nasa viral video para magpasama sa MMDA at humingi ito ng tawad sa kanyang nagawa. Kasama na rin dito ang kanyang paghingi ng sorry sa publiko. Si Kiki Girl, ang reporter ng GMA News at si MMDA Spokesperson Celine Pialago “Gusto ko lang po humingi ng paumanhin sa mga naabalang motorista noong ako po ay bumaba ng sasakyan ng aking kaibigan para sa “In My Feelings” challenge. Ako po at ang aking mga kaibigan ay handang bayaran ang mga violation na dapat po naming bayaran.” sabi ni girl “Umaasa po kami na ang public apology ko po ay makakatulong para po humupa po ang isyu na ito.” dagdag pa ni girl Loading... Ayon sa ulat, pagbabayarin lang si girl ng 500 peso

PART 2: Construction Worker at si Flight Attendant, Nagkita na!

Image
Ang pagmamahal ay walang pinipili, basta tumibok ang puso ay talagang mahuhulog ka. Sa pag-ibig marami talagang nanloloko pero ang kwento ng construction worker na ito ay kakaiba kung paano niloko at pinaasa ng kanyang minahal sa Social media. Kahapon lamang nag viral ang Part 1 video ng Raffy Tulfo in Action Youtube Channel tungkol sa na-inlove na construction worker sa isang babae sa Facebook na nagpakilalang isang flight attendant. Ang lahat nang ito pala ay kathang isip lamang. Ang lalaki ay napamahal ng lubusan sa mga larawang pinakita ni babae sa kanya. Humantong pa sa pagpapakasal sa Facebook at naging mag-asawa sila dito ayon sa kwento ni lalaki. Subalit ang lahat nang ito pala ay kalokohan lamang. Dahil ang babaeng nasa larawan na kanyang minahal ay ginamit lamang ng isang mantadang babae para siya ay lokohin. PART 1 Para sa mga hindi pa nakapanood ng part 1 video. Ito po, embed natin para mapanood ninyo at talagang mabibigla kayo sa kwento at dinanas ng lalaking