Girl na Nag-Kiki Dance sa EDSA, Nag-public Apology na!




Humihingi ngayon ng paumanhin ang babaeng nag-“In My Feelings” challenge sa EDSA. Matatandaan na hinahanap siya ng MMDA kasama ang kanyang driver na kumukuha sa kanya ng video dahil sa kanilang paglabag sa batas trapiko.
Ayon sa report ng GMA News, kusang nagtungo sa kanila ang babaeng nasa viral video para magpasama sa MMDA at humingi ito ng tawad sa kanyang nagawa. Kasama na rin dito ang kanyang paghingi ng sorry sa publiko.

Si Kiki Girl, ang reporter ng GMA News at si MMDA Spokesperson Celine Pialago
“Gusto ko lang po humingi ng paumanhin sa mga naabalang motorista noong ako po ay bumaba ng sasakyan ng aking kaibigan para sa “In My Feelings” challenge. Ako po at ang aking mga kaibigan ay handang bayaran ang mga violation na dapat po naming bayaran.” sabi ni girl

“Umaasa po kami na ang public apology ko po ay makakatulong para po humupa po ang isyu na ito.” dagdag pa ni girl
Loading...
Ayon sa ulat, pagbabayarin lang si girl ng 500 pesos para sa Jaywalking at 500 pesos din sa kaibigan ni girl na nagda-drive noon dahil sa Reckless driving. Hindi humarap sa media ang kaibigan nito pero kusang isinuko na nito ang kanyang driver license para tikitan ng MMDA.

Panoorin ang Video report ng GMA News.


Loading...