Posts

Showing posts from July, 2018

Ina na Nang-iwan ng Bata sa Kotse, Nagpaliwanag kay Raffy Tulfo

Image
Noong nakaraang araw lamang ay nagviral ang post ng isang Netizen na nagngangalang Jasper Pascual tungkol sa batang iniwan ng nag-iisa sa loob ng kotse habang ang mga magulang nito ay nakipag-inuman umano. Ang video post ni Pascual tungkol dito ay umabot na sa 241,000 Shares at nasa 8,000,000 views sa ngayon. Makalipas ang isa o dalawang araw ay agad na nakilala ang ina ng bata at nakausap mismo ni Raffy Tulfo sa programang ‘Aksyon‘ ng TV5. Ang ina ng bata ay nakilalang si Jenny Caluna. Dito nagpaliwanag si Caluna kay Raffy. Paliwanag ni Caluna, nasa sasakyan raw siya kasama ang isang taong gulang na anak, pinapadede niya raw ito. Bigla na lang raw siya tinawagan ng kanyang asawa para samahan ang pagkain ng isa pa niyang 6 year old na anak. Nakatulog raw ang 1 year old na anak niya na pinadede kaya niya ito naiwan sa sasakyan. Pumunta siya sa kanyang asawa’t anak at umihi na rin pero babalik rin siya agad sa sasakyan. Pinasinungalinan niya rin ang pahayag ng nag-upload n

4 patay sa sunog na nangyari sa SK Maguindanao, Dahilan ng insidente sinadya umano!

Image
COTABATO CITY – APAT NA MIYEMBRO ng pamilya kabilang ang ama ng tahanan ang nasawi matapos na lamunin ng apoy ang limang mga tahanan alas dos ng madaling araw kanina sa Purok Niyog, Brgy. Katuli bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao. Nakilala ang mga nasawi na sina Damos Araneta ang padre de pamilya, mga anak nito na sina Mujahid Araneta Grade 3 pupil, Dagul Araneta Grade 1 pupil at Vina Araneta Kindergarten. Sa panayam ngayong umaga ng Brigada News FM Cotabato Sultan Kudarat SFO1 Muhalidin Kasan, ang chief investigator ng Bureau of Fire Protection ng bayan, nagsimula ang sunog sa bahay ni Ginoong Araneta at mabilis itong kumalat sa apat na mga kabahayan. Kabilang sa mga nadamay na mga tahanan na natupok din ng apoy ang bahay nina Nila Usman, Gigi Araneta, Saad Zaede, at Samson Zaide na hanggang ngayon ay patuloy na inaalam ng BFP kung magkano ang danyos na iniwan ng sunog. Naglabasan naman ang mga haka-haka mula mismo sa mga residente na sinadya di-umano ni Ginoong Damos Aran