PART 2: Construction Worker at si Flight Attendant, Nagkita na!




Ang pagmamahal ay walang pinipili, basta tumibok ang puso ay talagang mahuhulog ka. Sa pag-ibig marami talagang nanloloko pero ang kwento ng construction worker na ito ay kakaiba kung paano niloko at pinaasa ng kanyang minahal sa Social media.


Kahapon lamang nag viral ang Part 1 video ng Raffy Tulfo in Action Youtube Channel tungkol sa na-inlove na construction worker sa isang babae sa Facebook na nagpakilalang isang flight attendant. Ang lahat nang ito pala ay kathang isip lamang.

Ang lalaki ay napamahal ng lubusan sa mga larawang pinakita ni babae sa kanya. Humantong pa sa pagpapakasal sa Facebook at naging mag-asawa sila dito ayon sa kwento ni lalaki.

Subalit ang lahat nang ito pala ay kalokohan lamang. Dahil ang babaeng nasa larawan na kanyang minahal ay ginamit lamang ng isang mantadang babae para siya ay lokohin.

PART 1

Para sa mga hindi pa nakapanood ng part 1 video. Ito po, embed natin para mapanood ninyo at talagang mabibigla kayo sa kwento at dinanas ng lalaking ito.


Maraming Netizen ang nabigla tungkol dito. Ang karamihan sa kanila ay galit na galit sa babaeng nasa larawan na ginamit ng babaeng nanloko sa kawawang construction worker.

Napag-alaman na ang babaeng nasa larawan ay anak pala ng babaeng nanloko kay construction worker. Naniniwala ang ibang kababayan natin na magkasabwat ang mag-ina sa panloloko.

Pero makalipas lamang ang isang araw, nagsalita na ang babaeng nasa larawan na minahal ng kawawang lalaki. Nagharap sila sa programa ni Raffy Tulfo para ayusin ang kanilang problema.

Sa kanilang paghaharap, sinabi ng babaeng ito na ginamit lang nang kanyang ina ang kanyang larawan at wala siyang alam tungkol dito. Pinatotohanan naman ito ng kanyang ina na wala ngang kinalaman ang kanyang anak sa kanyang panloloko.

Humingi ng sorry si Nanay sa kanyang ginawang panloloko kay construction worker at nangakong ibabalik niya ang perang ibinigay nang lalaki sa kanya.

Part 2

Panoorin rin ang part 2 video dahil talagang may matutunan ka tungkol sa nangyari sa kanila. Isang aral ito para sa mga taong mahilig magmahal, magbigay sa Social media kahit hindi pa nila ito nakikita ng personal.

Panoorin po ninyo ang video.


http://updatedtayo.info/part-2-construction-worker-at-si-flight-attendant-nagkita-na


Loading...