LIVE: Sen. Antonio Trillanes Pauwi na ng Kanyang Bahay sa Antipolo Matapos Lumabas sa Senado




Nakalabas na ng Senado si Sen. Antonio "Sonny" Trillanes IV at pauwi na sa kanyang bahay sa Antipolo.


ito ay makaraang ipagpaliban ng Makati Regional Trial Court branch 148 ang pagdedesisyon sa hirit ng DOJ na mag-isyu ng warrant of arrest laban sa kanya sa halip ay nag-iskedyul pa ng hearing sa October 5.

Loading...

Ngayong alas diyes ng umaga naka-iskedyul umalis ng Senado si Sen. Trillanes para umuwi na muna sa kanyang pamilya.


Nakaantabay na ang mga miyembro ng media na co-convoy sa sasakyan ni Trillanes pauwi ng kanilang bahay.

Itinuturing ni Trillanes na pansamantalang tagumpay ang hindi muna pagpapasya ng Makati RTC branch 48 sa hirit na alias warrant of arrest at hold departure order laban sa kanya.


Si Trillanes ay nagsimulang manatili sa Senado simula noong September 4 makaraang pawalang bisa ng Pangulong Duterte ang amnestiya na ipinagkaloob sa kanya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.


Loading...