Mayor Richard Gomez, Sobrang Nadismaya ng Makitang Tinitipid ang Pabahay para sa mga Nasalanta ng Lindol




Ang isang opisyal ng gobyerno na tama mamuno at pinapangalagaan ang kanyang mga tao ay lubos na kasiya-siya sa paningin ng masa. Sa panahon na ladlad na sa social media ang bawat galaw ng tao, ang mga pulitiko at nagseserbisyo sa gobyerno ay hindi rin nakakatakas sa mata ng mga tao.


Bilang isa sa mga pangunahing tao na gumagabay sa mga tao sa oras ng pangangailangan at kalamidad, ang mga tagapaglingkod ng bayan ay inaasahang magserbisyo hindi lamang sa pagtatapos ng pagbibigay ng mga relief goods at kapag umuwi umuwi na ang mga tao mula sa evacuation center. Bagkus, mas tutukan ang pang-araw araw na pangangailangan ng mga nasasakupan nya.

Loading...

Sa paglindol na sa Barangay Gaas sa Ormoc na higit na nakaapekto sa mga residente dito, nagkaroon ng proyekto ang National Housing Authority para muling makapagsimula ang mga biktima. Nitong ika-24 ng Setyembre ay dinalaw at ininspeksyon ng mayor ng Ormoc na si Richard Gomez ang nasabing proyekto. Napag-alaman nito na mahihinang klase ng materyales ang ginagamit dahilan para masermunan ang mga tao na nasa site.


Sa mga video clips na inupload ng isang netizen na si Kimmy Alvarez Urboda, makikitang nakikipaglitanya ang mayor ng Ormoc sa developer nito. Hiling nito ay dapat sa una pa lamang ay mga matitibay na materyales ang ginamit dahil wala aniya problema sa budget. Walang isyu na kulang sa budget kaya naman kinukwestyon nito ang mga materyales na ginamit ng developer. Tila nagkataon na marunong tumingin si Gomez kung ano ang matibay na materyales sa hindi. Pinapakita sa ibang video kung paano nito mariinf sinusuri ang mga hollow blocks na ginamit.

Ang hangarin ni Richard Gomez, bilang Mayor ng Ormoc ay mabigyan ng maayos na tahanan ang mga tao. At sa pamamagitan ng pag-inspeksyon at mahigpit na pagbabantay sa pagbuo ng nasabing housing project ay matugunan ang mga kailangan ng kanyang nasasakupan.



Loading...