OFW Partylist Rep. John Bertiz, Nag-sorry Muli sa Publiko




Humingi ng paumanhin si ACTS-OFW Partylist Representative John Bertiz sa publiko.


Ito ay kasunod ng nag-viral sa social media na insidente sa NAIA Terminal 2 domestic departure kung saan nakuha sa CCTV na galit na sinita ng kongresista ang isang security sa checkpoint ng paliparan.

Loading...

Ayon kay Bertiz, walang “excuse” ang kanyang naging aksyon sa naturang insidente at humihingi siya ng patawad sa nangyari.

Pero, nagpaliwanag naman ang chief of staff ni Bertiz na si Jun Aguilar na nasita ng kongresista ang security dahil bago siya dumaan sa checkpoint ay may naunang grupo ng mga Chinese na escorted ng isang airport staff ang hindi dumaan sa security protocols.

Read Full Post


Loading...