5 PDEA Agents Nasawi sa Ambush sa Lanao Del Sur. CHR Tahimik Lang




Nasawi ang limang kasapi ng PDEA samantalang 2 ang sugatan matapos paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang grupo ang kanilang sasakyan sa Brgy. Malana, Kapai, Lanao Del Sur.


Ayon sa pulisya, sakay ng isang van ang 7 kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA patungo sa Marawi City nang sila ay tambangan ng di pa nakikilalang mga salarin at paulanan ng mga bala.

Loading...

Agad nasawi sa nangyaring ambush ang mga biktimang kinilalang sina Kenneth Tabulo, Kristine Mae Torlao, Lores Joy Amar, Binzo Dipolla, at si Diobel Pacini.

Kinilala naman ang 2 sugatan na sina Rachel Gentapanan ng PDEA at ang Non-uniformed Personnel (NUP) na si Normina Dicay na pawang nasa malubhang kalagayan.


Sinubukang pang dalhin ng mga rumespondeng kapulisan sa ospital ang mga biktima ngunit DOA ng dumating ang mga ito sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City. Ang 2 sugatan ay kasalukuyang nasa masusing obserbasyon ng mga doktor dito.

Samantalang wala pang inilalabas na opisyal na mga suspek ang pulisya pati na rin ang motibo ng pagpaslang.


Read Full Post


Loading...