Congressman John Bertiz, Nakakatanggap Umano ng Death Threats




Sinabi ni ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz na nakakatanggap na siya ng death threat matapos kumalat sa social media ang kontrobersyal nitong video sa paninita sa isang tauhan ng OTS ng NAIA.


Ayon kay Bertiz, alam na niya ang pakiramdam ng isang indibidwal na nag-viral ang video at inamin na hindi rin siya nakakatulog dahil dito.

Loading...

Sinabi ni Bertiz na matapos mag-viral ang kuha sa CCTV ng NAIA, nakatanggap siya ng mga banta sa kanyang buhay sa text messages at sa social media.

Maliban dito, pati ang kanyang mga anak ay nadamay na rin at napilitang i-deactivate ang kanilang mga social media accounts dahil pati ang mga ito ay nakakatanggap ng pamba-bash mula sa mga netizens.

Read Full Post


Loading...